57

Jun 8, 2018 @ 19:24

Curry, pinagsabay ang golf, basketball

Imbes paghandaan ang back-to-back titles ng Golden State, nag-relax at naglaro ng golf si Stephen Curry.

Ayon sa Golf Channel, nagposte ng pares ng 71 sa kanyang handicap index si Curry bago ang Game 3 ng NBA Finals.

Mukhang hindi umano iniinda ni Curry ang laro nito sa Cavaliers.

Ang rounds of 71 ay mababa ng tatlong strokes sa 74-74 na naiposte ni Curry sa Web.com tour event noong Agosto.

Pero sa kabila nito, mukhang hindi naapektuhan ng performance niya sa golf ang laro niya sa basketbol dahil nag-average ito ng 24 points, 8 assists at 6 rebounds sa pagtalon ng Warriors sa 3-0 lead sa Finals.

Nakatakda ang Game 4 sa Biyernes (Sabado sa Pinas) sa Cleveland ulit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?