211

Curry nagpaulan ng 11 tres, Dallas nilunod

Walang panama kahit sino man ang itapat sa 2-time NBA MVP na si Stephen Curry nitong Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas) sa kanilang laban kontra Dallas Mavericks.

11 tres ang ipinukol ni Curry, dalawang puntos na lang ang kinulang para makasampa sa singkwenta matapos tigpasin ang 48 markers.

Ang 11 na three-point made ni Curry ay ang kanyang season-high ngayong taon, nakatuwang din nito ang one-time MVP na si Kevin Durant na nagdagdag ng 28 puntos para sa Warriors at Klay Thompson na may 16.

Naging bakbakan ang laban, table ang laban sa 4th quarter, 114-114 ngunit biglang nagpakawala si Curry ng tres para ilayo sa 117-114 ang iskor.

Hindi na nakabawi pa ang Mavericks at natapos ang laban sa 119-114.

Nanguna para sa Dallas si Luka Doncic na may 26 puntos, may 22 naman si Harrison Barnes, ang rookie na si Jalen Brunson ay tumulong ng 12 points. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?