42

Oct 24, 2017 @ 11:40

Curry nagmulta ng $50,000 sa pagbato ng mouthpiece

Pinagbayad ni two-time NBA MVP and Golden State Warriors point guard Stephen Curry $50,000 dahil sa ginawa nitong pagbato ng kanyang mouthpiece patungo sa direksiyon ng referee sa kanilang laban noong Sabado kontra Memphiz Grizzlies.

Nangyari ang pambabato sa natitirang 43.6 seconds ng laro kung nilampasa ng Grizzlies ang Warrior sa score na 111-101.

Parehong pinatalsik sa laro si Curry at teammate nitong si Kevin Durant matapos makipagtatlo sa mga officials. Hindi naman pinagmulta si Durant.

“In the grand scheme of things, it’s Game 3, we were playing terrible, I was frustrated because I was fouling and I thought I got fouled on the last play. The reaction was definitely a little over the top,” sabi ni Curry sa ESPN.

Pinagmulta din ng liga si Golden State forward Andre Iguodala ng $15,000 dahil sa pagmumura sa isa pang referee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?