41

Jan 1, 2019 @ 16:01
By

Curry nagliyab, pinaglaruan ang Suns

Nag-init si Stephen Curry at nanguna sa Golden State Warriors kontra Phoenix Suns sa iskor na 132-109.

Gumawa si Curry ng 34 points na may 5-of-9 three-point field goal, 9 rebounds at sumahog ng apat na assists. Nakisali si Durant at nagtala ng 25 points. Ang Warriors ay 14-for-28 sa three-point area.

Si Suns rookie DeAndre Ayton ay may double-double na 25 points at 10 rebounds. Si T.J Warren ay nagdagdag ng 24 points at si Devin Booker ay may 20 puntos.

Kontrolado ng Warriors ang laro at pinanatili ang lamang hanggang matapos. Ito na ang 17-straight na panalo ng Warriors sa Suns.

Tangan ng Warriors ang 25-13 win-loss record at nanatili sa 2nd spot ng Western Conference habang kulelat ang Suns sa parehong conference hawak ang 9-29 panalo-talo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?