100

Apr 9, 2018 @ 11:26
By

Curry nagbanat ng tuhod

Sinubukang gamayin ni Stephen Curry ang sprained left knee bago ang 126-120 loss ng Golden State sa New Orleans Sabado ng gabi.

Naka-civilian clothes ang two-time MVP, may sabit na backpack sa likod. Makailang ulit din siyang tumatalon-talon gamit ang kaliwang paa sa locker room.

Nakangiti siya katabi si Warriors athletic trainer Chelsea Lane.

Mauuna silang dalawa sa Phoenix, ang susunod na road game ng Warriors.

Nag-light workout pa siya sa court bago ang laro, pagkatapos ay pumasok ng locker room at ibinabad sa ice ang kaliwang tuhod habang namamapak ng popcorn.

Isang linggo pa bago ang re-evaluation sa kanyang injured na tuhod, at sinabi ni Golden State coach Steve Kerr na out na si Curry sa first round ng playoffs na magsisimula sa April 14.

“We’ll talk a week from today. There’s nothing to report,” wika ni Kerr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?