24
curry3

Curry nag-init, tinambakan ng 41 points ang Rockets

Sharing is caring!

Balik sa porma si Stephen Curry sa pagtala ng 35 points at limang 3-pointers.

Rumagasa sa second-half ang Golden State at napalobo sa 41 points ang kalamangan para makauna ng 2-1 sa Rockets 126-85 nitong Linggo (Lunes sa Pinas) sa Western Conference finals.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 25 points, 6 rebounds at 6 assists, habang dumamba ng 17 rebounds si Draymond Green at pumuntos pa ng 10 points at 6 assists.

Bumawi ang defending champions sa depensa matapos silang lagutin noong Miyerkoles ng Houston, 127-105 sa Game 2.

Nag-init si Curry sa third quarter sa ipinukol na 18 points at may perpektong 7-for-7 shooting.

Mananatili sa Oracle Arena ang Game 4 sa Martes (Miyerkoles sa Pinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?