Curry nag-init sa panalo ng Warriors vs Heat

Sharing is caring!

Lumiyab muli si reigning MVP Stephen Curry at nagpakawala ng 30 puntos sa pananambak ng Golden State Warriors, 123-95, sa Miami Heat.

Galing kasi ang Warriors players sa ‘di inaasahang ‘day-off’ sa beach sa Miami na ibinigay sa kanila ni coach Steve Kerr kaya’t puno ng enerhiyang sumabak ang Golden State sa Heat.

Dahil sa malaking kalamangan sa 3rd quarter, hindi na ipinasok sina Curry at Kevin Durant, na may buslong 24 points, sa 4th.

Nag-init din maging ang Warriors shooter na si Klay Thompson na may 19 points at nanguna sa 18-3 run ng Golden State sa second half, 37-17.

Hindi na nakaahon pa ang Miami sa fourth quarter matapos lumobo ang kalamangan ng Warriors sa 99-77.

Samantala, na-eject sa 6:24 na lang na natitira sa first half si Shaun Livingston sa panig ng Golden State matapos makipagtalo sa reperi hinggil sa hindi natawag na foul.

Sunod na makakalaban ng Warriors ang New Orleans habang haharapin naman ng Heat ang San Antonio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?