338

Jan 27, 2020 @ 22:04
By

Curry maraming tanong sa pagpanaw ni Kobe

Nagpahayag na rin ng pakikiramay si Golden State Warriors star Stephen Curry sa maagang pagpanaw ng tinaguriang “Black Mamba” ng NBA na si Kobe Bryant.

Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat ito kay Bryant at pinagdasal ang kapayapaan ng kaluluwa nito maging ng anak ng una na si Gianna.

“A lot of questions right now. Our faith is being tested…but all I can say is thank you. May you and Gianna rest easy!” sabi sa post ni Curry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?