18
stephen-curry
By

Curry kumana ng 42, Golden State inungusan ang Cleveland

Sharing is caring!

Bumuhos si Stephen Curry ng 42 puntos nang kanilang patumbahin ang nakalaban sa NBA finals noong nakaraang season na Cleveland Cavaliers, 129-105.

Nakalamang pa ang Cavs pagpasok ng halftime- 64-58, ngunit hindi nagpadaig ang poise ng Warriors na bumalikwas ng 37-point third quarter para maibuslo ang siyam na puntos na kalamangan sa last stretch.

Ang impresibo sa 42 puntos ni Curry ay ang bilang ng tres na kanyang pinasok, may siyam na pasok sa 14 na tira.

Si Kevin Durant naman ay kumamada ng near triple-double performance, may 25 markers, 10 rebounds at siyam na assists.

Para sa Cleveland, sumahog ang rookie na si Collin Sexton ng 21 puntos, may 17 naman ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }