83

Jan 19, 2018 @ 18:51
By

Curry, isip-bata binara ng fan!

Natapos nang talunin ng Golden State ang Chicago Bulls 119-112 nitong Miyerkules ng gabi para kumpletuhin ang franchise-tying 14th straight road game win, pero dumidipensa pa rin si Stephen Curry.

Hindi na sa court, kundi sa social media.

Napagalitan ng isang fan si Curry sa Twitter dahil sa isang play bago natapos ang first quarter ng Bulls game.

Umiskor ng eight straight ang Chicago sa final 29 seconds ng first, halatang dismayado si Curry dahil walang nakuhang tawag mula sa referees nang mawala sa kanya ang bola na nagresulta sa dakdak ni David Nwaba 0.1 ticks na lang sa period.

Inilabas ni Curry ang bola, pinatama niya sa likod ni Nwaba para ubusin na ang oras. Nakatalikod noon ang Bulls guard kay Curry.

Isang fan (@gavmanj) ang nag-react sa Twitter: “Hey @StephenCurry30 … any idea how many kids watch you play every night and look up to you as a basketball role model? Grow up and act like a professional athlete! #childish”.

Malamang ay nakita ni Curry ang kanyang mention, kaya agad din siyang dumipensa: “Uhhh. 0.1 seconds on the clock. Pretty smart way to end the Quarter if you ask me. But what do I know? I’d tell the kids to do the same thing.”

Super-react ang fan, pero ang bench ng Bulls na ilang dipa lang ang layo sa play, dedma lang sa ginawa ni Curry. Basketball ‘yan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?