19

May 2, 2021 @ 10:26

Curry. GSW nagbigay-pugay sa anak ni Kobe

Ngayong May 1 ay ang ika-15 kaarawan sana ni Gianna Bryant, na nasawi sa helicopter crash kasama ang kanyang ama na si Kobe.

Kaya kasabay ng espesyal na araw para kay Gigi ay nagbigay ng tribute ang Golden State Warriors sa pamamagitan ng kanilang pre-game outfit.

Nagsuot si Stephen Curry at kanyang mga teammate ng jumpsuit na may nakasulat na ‘Mambacita’.


Nag-tweet din si Curry para ialay ang kanilang laro kay Gianna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?