23
stephen-curry
By

Curry dagdag-problema sa New Orleans Pelicans

Sharing is caring!

Kung pagbabasehan ang galaw ni Stephen Curry sa practice nitong Lunes, wala nang makakapigil sa kanyang pagbabalik.

Humahaginit na ang kanyang 3-pointers at jumpers sa shooting workout, nilista ng Golden State si Curry bilang “probable” sa Game 2 ng Western Conference semifinals kontra New Orleans kinabukasan (Miyerkoles sa Manila). Wala si Curry sa huling 16 games ng Warriors kabilang ang unang anim sa playoffs dahil sa grade 2 MCL sprain sa kaliwang tuhod.

“I would be very surprised if he didn’t play,” lahad ni Warriors coach Steve Kerr pagkatapos ng praktis. “But just for caution, we should wait until (Tuesday) to see how he’s feeling.”

Sa game time na dedesisyunan ni Kerr kung gagawing starter si Curry o huhugutin sa bench. Pero hindi na niya ito bibigyan ng minutes restriction matapos kumpletuhin ang full-contact practice nitong Lunes. Linggo ay nakipag-scrimmage din si Curry sa mga kakampi.

Kabisado ng mga kakampi si Curry, alam nilang gigil na itong bumalik.

“Knowing Steph, I know it’s been killing him,” wika ni Warriors guard Klay Thompson. “He’s great at holding his emotions. But I know he’s dying to get out there. He looks ready.”

Malaking problema sa Pelicans kung lalaro na si Curry, huwag lang magpakita ng kalawang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?