220

By

Curry bumalik, Golden State problemado pa rin

Sharing is caring!

Makalipas ang 11 laro mula ng mabakante, sinimulan ni Golden State Warriors star Stephen Curry ang kanyang pagbabalik sa pagkatalo.

Napatid ang Warriors sa Detroit Pistons, 111-102, sa kabila ng muling paglalaro ng two-time NBA MVP na si Curry na nawala nang panandalian dahil sa strained left groin.

Maganda naman ang naging gising ng guwardiya, may 25 puntos, limang rebounds at tatlong assists, ngunit walang panapat sa kalat na scoring ng Pistons.

Anim na manlalaro mula sa Detroit ang nakatungtong sa double-digit scoring, pinangunahan ni Blake Griffin na may 26; Stanley Johnson na may 19; Reggie Jackson, 17; Andre Drummond, 16; Ish Smith, 11 at Reggie Bullock na may 10.

Para naman sa Bay Area, umayuda rin sina Kevin Durant tangan ang 28 puntos at Klay Thompson na may 21 markers.

Laglag ang kartada ng Warriors sa 15-9 win-loss record habang akyat naman sa 13-7 ang Pistons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }