65

By

Curry alis sa gitna ng laro, Warriors tambak sa Bucks

Sharing is caring!

Hindi natapos ni Golden State Warriors guard Stephen Curry ang laban kontra sa Milwaukee Bucks, na isa sa naging dahilan ng kanilang pagkatalo, 134-111, nitong Biyernes sa Pilipinas.

Dahil sa tinamong leg injury, kaagad na tumakbo sa locker room ang sharpshooter sa gitna ng third quarter, na sinabing na-strain ang adductor muscle sa kaliwang binti.

Tumapos lamang ang two-time NBA MVP ng 10 points at six assists, samantalang kumolekta naman ang kanyang ka-‘Splash Brothers’ na si Klay Thompson ng 24 puntos at tig-tatlong assists at rebounds.

“He seems good to me. I’ve got to talk to him tomorrow and see how he’s doing,” pakli ng kanyang teammate na si Kevin Durant. “Hopefully he’s doing well.”

Nanguna naman para sa Milwaukee Bucks ang spitfire guard na si Eric Bledsoe na kumamada ng 26 markers, habang naghari si Giannis Antetokounmpo na may 24 points, nine rebounds at four assists.

Ibinigay ng Bucks ang kauna-unahang talo ng Warriors sa kanilang balwarte para umakyat sa 9-2 win-loss record, samantalang matibay pa rin ang Warriors sa 10-2 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?