147

Curry akyat sa all-time 3-point list

Muling gumawa ng kasaysayan ang two-time NBA MVP na si Stephen Curry.

Sa kanyang kinonektang magkadikit na tress as kanilang laban kontra Chicago Bulls, naungusan na nito si Jason Terry para itarak ang pangalan sa ikatlong pwesto sa NBA three-point made list.

Sa ikasiyam na minuto, 59 segundo ng laro sa third quarter kinuha ni Curry ang makasaysayang tres na nagpahiyaw sa 19,500 fan sa loob ng Oracle Arena.

2,283 threes na ang naipukol ni Curry sa kanyang karera, at possible pang maungusan ang ilang legend sa rainbow country.

Dalawang tao na lamang ang natitirang kailangang lampas an ni Curry, sina Reggie Miller na may 2,560 at Ray Allen na may 2,973.

“It is a special accomplishment in terms of two guys I know who are trendsetters and did it for many many years,” saad ni Curry.

“They are people I looked up to. Obviously I want to catch them. I respect what guys have done before,” dagdag pa niya. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?