18

Oct 12, 2021 @ 14:43
By

Curfew sa NCR posibleng luwagan – Abalos

Malaki umano ang posibilidad na iksian pa ang curfew hours sa Metro Manila dulot ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

Patuloy na nananatili sa alas-10:00 p.m. ng gabi hanggang alas-4:00 a.m. ng madaling araw ang curfew sa rehiyon kahit nasa gitna na ito ng pilot implementation ng alert level system.

Ngunit nakikita ni Abalos na posibleng luwagan ang curfew dulot ng malaking pagbaba ng mga kaso ng virus sa NCR.

“Metro mayors may finally adjust the curfew hours,” wika ni Abalos sa Cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, maglalabas din umano ang mga alkalde ng Metro Manila ng iisang guidelines na susundin sa undas. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?