10

Oct 19, 2020 @ 9:18
By

Curfew sa NCR iiklian

Gagawin nang mula hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling-araw ang curfew hours sa buong National Capital Region, liban sa Navotas.

Sabi pa ni Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez, sa ulat ng CNN Philippines, ngayong linggo maglalabas ang mga alkalde ng kani-kanilang lokal na ordinansa hinggil sa nasabing pagbabago.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinuhestiyon ng gabinete sa mga local government unit (LGU) na iksian ang curfew hours para matulungang makabangon ang ekonomiya habang may pandemyang COVID-19.

Matatandaang nitong quarantine period, nagkaroon ng unified curfew hours ang Metro Manila na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?