18

Oct 12, 2021 @ 14:22
By

Curfew sa Metro Manila pinaiksi

Pinaiksi sa apat na oras ang curfew sa Metro Manila simula sa Miyerkoles, Oktubre 13.

Ayon kay Metro Manila Council Head Edwin Olivarez, magiging alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling-araw ang curfew hours sa rehiyon.

Kasalukuyang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw ang curfew sa Metro Manila.

Ani Olivarez, ang adjustment sa curfew hours ay dahil sa pagbaba ng COVID-19 case at health care utilization rate, at upang matulungan ang mga negosyante at empleyado sa dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?