32

Sep 14, 2021 @ 16:09
By

Curfew sa Metro Manila 10PM to 4AM na

Itinaas na ang oras ng curfew sa Metro Manila kasabay ng pagsisimula ng implementasyon ng pilot granular lockdown simula sa Huwebes, Setyembre 16, 2021.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mula sa dating 8PM hanggang 4AM ay magiging alas diyes na ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw ang curfew.

“Nagbotohan kami kasama ng resolsusyon na ang implementasyon nito ay isasabay sa pilot. Magiging 10:00 na po ng gabi hangang alas kuwatro ng umaga,” ani Abalos.

Sa ganitong paraan aniya ay maaari ng makapag-adjust ng operating hours ang ilang establisimento bilang bahagi ng pagsisikap na unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Dalawang linggo ang pilot test ng granular lockdown at alert level system para sa buong Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?