19

Jan 11, 2022 @ 15:43
By

Curfew para sa mga bagets ipapatupad sa NCR

Inanunsyo ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ngayong Martes na inaprubahan na ng Metro Manila Council ang pagpapatupad ng curfew para sa mga kabataan sa National Capital Region.

Sa isang panayam ng dzBB, sinabi ni Olivarez na ang curfew ay para lamang sa mga edad 17 pababa.

Ang curfew ay magsisimula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Sa ngayon, wala pa umanong napagkasunduan ang mga alkalde sa NCR kaugnay ng curfew para sa mga edad 18 pataas.

Ang NCR ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 3 dahil sa pagsirit ng mga kaso ng COVID. (MJD)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?