27

Sep 14, 2021 @ 15:41
By

Curfew mas maikli sa Alert Level 4 – Abalos

Mas maikling curfew ang paiiralin sa Metro Manila sa pagpapatupad ng Alert Level 4 na may granular lockdown simula Setyembre 16, ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.

Ang curfew sa rehiyon ay mula alas-10:00 p.m. ng gabi hanggang alas-4:00 a.m. ng madaling araw.

“Ito ho’y inuusad na. Nagbotohan kami (Metro Manila mayors), ilalabas namin ang resolution na ang implementasyon isasabay sa pilot, magiging 10 ng gabi hanggang 4 ng umaga,” pahayag ni Abalos ngayong Martes.

Sa gitna ng patuloy na umiiral na modified enhanced community quarantine sa NCR, ang curfew ay nagsisimula ng alas-8:00 p.m. ng gabi at natatapos ng alas-4:00 a.m. ng madaling araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?