37

Apr 8, 2021 @ 13:01
By

Cupcake shop ni Ara Mina binalak nakawan

Winarningan ni Ara Mina ang mga kapwa niya negosyante laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo sa panahon ng pandemya.

“Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako. Ang galing ng mga taong ito!” sey ng aktres-singer sa Instagram.

Nilakip niya sa post ang text conversation ng isa niyang empleyado at isang nagpapanggap na si Mina, kung saan nagtatanong ang scammer kung sinu-sino ang mga pumasok na kawani at nagsabi pang dadaan ito sa shop branch.

“Sa ganitong panahon ng pandemic, hindi ko lubos maisip kung bakit may nakakagawa pa ng ganitong panloloko,” banggit ni Ara.

“Maliit na negosyante lang po kami, na nagsusumikap na maghanapbuhay kahit na hirap na hirap na tayo sa sitwasyon.”

“Hindi mababaw ang ganitong klaseng panloloko… Sa mga kapwa ko business owners, beware of ploys such as this. Be safe, not only against the virus,” babala niya pa.

Nagpasalamat naman si Mina sa Diyos at sa mga staff nilang “alisto” at “they know what to do sa mga kaduda-dudang pagkakataon.”


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: