164

Nov 25, 2017 @ 13:49
By

‘Cum Laude’ alay ni Rocco sa magulang

Congratulations kay Rocco Nacino na nag-graduate ng Master of Arts in Nursing sa St. Bernadette of Lourdes College. Nag-graduate si Rocco na Cum Laude at medyo emotional siya nang nakausap ng PEP alerts squad.

“Nothing is sweeter than to see the smiles on my parents’ faces,” sabi ng Kapuso actor.

Nakakatuwa ang pagiging pursigido ng aktor sa lahat na ginagawa niya, lalo na itong pagtatapos ng pag-aaral niya ng nursing. Pati ang thesis ay natapos din niya ang defense at naipasa niya ito.

“Finally, another one checked off my bucket list! Passed my thesis defense and am set to graduate as a cum laude this Friday!” sabi ni Rocco.

Inalay niya ang karangalang ito sa kanyang mga magulang.

“This one’s for you mom and dad! It’s a different sense of fulfillment when it comes to pursuing education.”

Sa panghuling bahagi ng post na ito ni Rocco, proud niyang sinabing,

“I did it! I am now Enrico Raphael Quiogue Nacino, R.N.M.A.N. (Registered Nurse, Master of Arts in Nursing). To God be the Glory!”

“Graduations are for parents, it’s our best way of showing them our gratitude and love by valuing education which will be with us forever.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?