11

Sep 29, 2020 @ 13:47
By

Cuban to the rescue kay Delonte West

MATAPOS makunan ng larawan ang dating NBA player na si Delonte West na namamalimos sa Dallas, sumaklolo sa kanya ang Dallas Owner na si Mark Cuban.

Nagkita ang dalawa sa isang gas station, dinala ni Cuban si West sa isang hotel.

Balak rin ni Cuban na sagutin ang gastos sa pagpapagamot ni West habang ito ay nasa rehab.

Matagal nang plano ng pamilya ni West na ito’y ipa-rehab, ngayon ay payag na ang dating NBA player sa planong ito ng kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?