9

By

CSB pinauusisa ang 4 manlalaro ng Altas sa ‘ligang labas’

Sharing is caring!

Gustong ipasilip at paimbestigahan ng College of Saint Benilde sa pamunuan ng NCAA ang diumano’y pagkakasangot ng ilang manlalaro ng University of Perpetual Help sa ligang labas.

Matatandaan na noong nakaraaang linggo ay naglabas ng artikulo sa Spin.ph na nagsasabi na apat sa manlalaro ng Altas ang sumabak sa commecial league noong nakaraang taon, sina Edgar Charcos, Kim Aurin, Kyt Jimenez at Tonton Peralta.

“We have filed an inquiry, not a protest, asking the Mancom (league management committee) to look into the issue regarding Perpetual,” wika ni school president Bro. Dennis Magbanua, FSC.

Naglaro daw ang apat sa ilalim ng Las Piñas Home Defenders sa Metro Basketball Tournament at koponan na ito ay hindi konektado sa Perpetual.

Mula ng pumutok ang isyu ay wala pa rin ginagawang aksyon ang Management Committee dahil hinihintay pa nila ang isang pormal ng sulat na ipapasa sa kanila.

“We laud the Mancom for already looking into it even without a letter from any school yet,” sabi ni Bro. Dennis.

Noong Huwebes ay eliminated na ang Blazers matapos talunin ng San Beda University kaya ang huling playoff spot ay napunta sa Perpetual Help.

Hindi ito ang unang nagkaroon ng isyu tungkol sa ligang-labas ang NCAA dahil noong Agosto ay napatawan ng two-win forfeiture ang San Sebastian matapos makumpirma na naglaro sa ‘di NCAA-sanctioned game ang isa nitong player na si RK Ilagan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?