138

Feb 22, 2020 @ 10:29
By

Cruz, Stinnett sasabak sa Guam

Dalawang may dugong Pinoy sa katauhan nina NLEX guard Jericho Cruz at Will Stinnett ang pinayagan ng International Basketball Federation (FIBA) na makapaglaro para sa Guam national men’s team sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Makakasama ng laki sa Guam na si Cruz ang dating Adamson Soaring Falcon na si Stinnett, na naglaro sa bansa noong 2010 at kasalukuyang kabilang sa mga beterano ng Guaminian squad.

Pinayagan din ng Road Warriors na mairepresenta ni Cruz ang kanyang kinalakihang bansa kung saan inaasahan na mas makakakuha ito ng eksperiyensya na makakatulong upang mas mapahusay pa ang kanyang karera.

“I think that’s going to help him, and that’s going to be a big honor for him,” sabi ni Road Warriors coach Yeng Guiao, na masaya sa kanyang player.

“His experience playing in the FIBA qualifier will only do wonders for him.”

Hindi nakapaglaro si Cruz sa kampanya ng NLEX sa natrapos kahapong Phoenix Super Basketball Tournament dahil mas maagang nagtungo sa US state.

Una nang naging parte ng Philippine team sa 2013 Myanmar Southeast Asian Games si Cruz, hindi ito naging hadlang para sa world basketball governing na ideklarang eligible rin siya para sa Guam dahil sa ang SEA Games ay hindi sanctioned ng world governing body.

Si Cruz ay parte rin ng Northern Mariana Islands youth team noong 2008 bago naglaro sa PBA D-League at nakapasok sa PBA.

Makakasagupa ng Guam sa unang qualifying window ang New Zealand sa Linggo, Pebrero 23 sa Calvo Field House. Ang ikalawang laban nito na road game kontra Hong Kong ay nakansela dahil sa coronavirus disease outbreak.

Makakasagupa rin ng Guam ang Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?