195

Oct 6, 2021 @ 17:32
By

‘Crush ng Bayan’ gusto maging pangulo

Hindi nakuntento sa pagiging crush ng bayan ang isang 50-anyos na lalaki at nais pa nitong maging pangulo ng bansa.

Ngayong Miyerkoles ay naghain ng certificate of candidacy (COC) bilang pangulo ang lalaking nagngangalang Danilo Villanueva.

Si Villanueva na tubong Bagong Silang, Caloocan City ay may palayaw umanong ‘Crush ng Bayan’ ayon sa Comelec.

Siya ay tatakbong independent.

Ang filing ng COC ay matatapos sa Oktubre 8, habang bago sumipa ang campaign period ay sasalain ng Comelec ang lahat ng naghain ng kandidatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?