89

Dec 2, 2017 @ 17:45
By

Critical areas sa tigil-pasada, isinuplong ng transport groups

Tinukoy ng mga mismong transport groups na hindi lalahok sa ikakasang tigil-pasada ng grupong PISTON ang mga lugar kung saan kinakailangan ang higit na presensiya ng mga awtoridad.

Sa 15 na tinukoy na ‘critical areas’, marami ay sa Quezon City at Manila, Kalayaan Kamuning; Aurora-Yale St.; E. Rodriguez sa Delos Santos Hospital; Aurora Blvd. cor. Katipunan; Marcos Highway cor. Ligaya; Monumento Circle; Edsa, Bagong Barrio; Quirino Ave., cor Baesa.

Gayundin sa Pleasant Starmall, Palmera; Recto cor. Lepanto; Port Area, Anda Circle-Gate 3; Pedro Gil cor. Agoncillo; Punta, Sta Ana; Malanday hanggang Monumento at España Ave. cor M. Dela Fuente.

Ang impormasyon ay ipinadala sa MMDA at NCRPO.

Nauna nang inihayag ng MMDA at LTFRB na muli lang din ipatutupad ang ‘contigency measures’ sa tuwing may transport holiday, kasama na ang pagpapakalat ng mga government vehicles at mga bus para umalalay sa mga mai-stranded na mga pasahero.

Ang tigil-pasada ang ikatlo na ngayong taon na ikakasa ng PISTON bilang pagtutol sa phase-out ng mga pampasaherong jeep kaugnay sa Public Transport Modernization Program ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?