232

Dec 2, 2021 @ 11:31
By

Cristy: Barbie walang ‘K’ tawaging kabit si AJ

Kung si Cristy Fermin ang tatanungin, walang karapatan si Barbie Imperial na tawaging kabit si AJ Raval o sinumang babae na napapalapit sa kanyang kasintahang si Diego Loyzaga.

Matatandaang sa panayam kay Boy Abunda ay hinamon ni Barbie si AJ na magsalita kung talagang hindi siya kabit ni Diego.

“Ahmmm, ‘yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!” pahayag ni Barbie.

Nadamay ang pangalan ni AJ matapos ang tsismis na unang nasagap ni Xian Gaza.

Ngunit sa programang ‘Cristy Fer Minute’ tinalakan ni Cristy si Barbie para sabihing wala siyang karapatang tawaging kabit si AJ.

“Ineng, magkarelasyon pa lang kayo ni Diego Loyzaga, hindi pa kayo mag-asawa. Kaya wala ka pong karapatan na tawaging mistress ang sinumang babae na napapalapit kay Diego,” saad ng beteranang showbiz columnist.

“Wala ka pang kasiguruhan kung magiging kayo. Iwasan mo ‘yan. Pagsasabi ng ganyan. Wala ka pang pasaporte para i-brand ang isang babae na mistress,” dugtong pa niya. “Wala, wala. Kasi wala ka pang hawak na dokumentong magpapatunay na si Diego at ikaw ay kasal na.”

Samantala, si AJ ay wala pang direktang resbak sa hamon ni Barbie, bagamat may pinost siyang meme sa social media na hinihinalang may koneksyon sa paratang laban sa kanya. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?