392
cristine-reyes
Sep 19, 2018 @ 14:30
By

Cristine Reyes ilalabas ang pagiging komedyana sa ‘Abay Babes’

Showing na ngayon ang pelikulang ‘Abay Babes’ na handog ng Viva Films. Ito’y tinatampukan nina Cristine Reyes, Meg Imperial, Kylie Verzosa, Nathalie Hart, at Roxanne Barcelo.

Gumaganap dito si Cristine bilang si Ruby, ang class top notcher at ngayo’y isa ng doktor. Siya ay binansagang “Pili Nuts” dahil ayon sa kanya, sa huli ang nangingibabaw niyang kagandahan pa rin ang pinipili ng lahat.

Ilang taon matapos ang high school, muling magkikita-kita ang mga Bicol “It Girls” na sina Emerald (Nathalie), Ruby, at Perla (Kylie), para sa nalalapit na kasal ng kanilang kaibigang si Goldie (Roxanne). Darating din si Jade (Meg), ang isa pang kaibigan ni Goldie mula naman sa America.

Sa gitna ng paghahanda para sa kasal, muling mauungkat ang mga past issues ng magkakaibigan. Sa halip na ipagdiwang ang pagkakaibigan at pag-ibig, mananaig ba ang intriga sa muling pagkikita nila?

Ayon kay Cristine, masaya siyang makagawa ulit ng comedy film.

Sambit niya, “Super happy, kasi eversince talaga ay love ko ang comedy and before kung naalala ninyo, gumawa ako ng sitcoms… marami rin akong ginawang sitcom sa GMA-7 and then sa ABS CBN, and then (comedy) movies.

“So, parang feeling ko, inborn siya sa akin, hindi alam ng lahat, may pagka komedyante ako in real life. So iyon, happy ako na I’m part of this film,” masayang saad pa ng younger sister ni Ara Mina.

Kasama rin sa Abay Babes sina Tom Rodriguez, Marco Gumabao, Mark Bautista, Candy Pangilinan, at marami pang iba. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Don Cuaresma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?