132

Jul 18, 2020 @ 16:14

Cristine Reyes bumalik sa GMA

Isa-isa na sa pag-‘ober da bakod’ ang mga Kapamilya artist matapos mabasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Kung noon ay si Pokwang ang sorpresang nag-guest sa ‘Eat Bulaga’, ngayong linggo naman ay magkasunod na sina Empoy at Cristine Reyes ang nasaksihan sa noontime show.

Ngayong Sabado ay sumalang sa hulaan si Cristine sa ‘Bawal Judgmental’ bilang celebrity judge na kumilatis sa mga band member ng mga 90s and 2000s band tulad ng Orange and Lemons at Silent Sanctuary.

Sa nasabing segment, nag-uwi si Cristine at kanyang partner na si Julson Felizardo ng P35,000.

Si Cristine ay nagsimula sa GMA Network bilang contestant sa talent search program na Starstruck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?