14

By

Cristine iwas intriga sa hiwalayan issue

Sharing is caring!

Hindi tuwirang sinagot ni Cristine Reyes ang tanong ng press people kung totoong hiwalay na sila ng asawang si Ali Khatibi.

Ang tanging sagot niya: “OK naman po. Tahimik naman po ang buhay ko. Maayos naman ang lahat.” Ni hindi nabanggit ng sexy-actress ang pangalan ng kanyang husband.

Wedding beach ang kasal ni Cristine kay Ali nu’ng 2016. Biniyayaan sila ng isang anak na babae.

Tinanong din siya kung may ibig baguhin sa kanilang beach wedding.

Sagot n sexy-actress, hindi pa raw niya naiisip ang mga bagay-bagay. Pero, naniniwala pa rin daw siya sa kasal.

Sa ngayon 14 lang daw ang pina-follow ni Cristine sa kanyang Instagram at hindi kasama du’n ang asawang si Ali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?