186

By

Cristine binanatan sa animal cruelty, aktres sumagot

Kinontra ni Cristine Reyes ang mga paratang na naging sinuportahan umano nito ang animal cruelty sa pag-dog-sled.

Ito’y matapos i-post ng aktres ang kanilang bakasyon ng anak na si Amarah sa Finland, kung saan sinubukan ng mag-ina ang pagsakay sa dog-sled.

Ayon sa mga netizen, maikukunsidera umanong animal cruelty ang nasabing activity na kinakabit sa ilang Husky ang isang platform na pwedeng sakyan ng tao.

“I cant help not to notice the dogs barking, Poor dogs, maybe the cold bother them so much,” ayon kay @cayness2019.

Kinontra naman ng isa pang netizen ang pahayag nito, sinabi na sanay ang mga Husky sa lamig, na sinang-ayunan naman ni Cristine.

Saad pa ni Cristine, naalagaan naman ang mga aso sa nasabing dog-sled activity kaya’t hindi niya ito tinuturing na animal cruelty.

“We had the same sentiments but while waiting we had the privilege of learning how they run the business and most especially how they care for all the dogs,” ayon sa aktres.

View this post on Instagram

Dreaming of a white Christmas ❄️

A post shared by Twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?