2,509
ara-mina-and-cristine-reyes
Mar 20, 2018 @ 15:43
By

Cristine, Ara nagpatalbugan sa kaseksihan sa Bora

Nagpatalbugan sa kani-kanilang body shape ang mag-ate na sina Ara Mina at Cristine Reyes sa bakasyon nila sa Boracay nitong nakaraang weekend.

Kasama ang isa pa nilang kapatid, at ang kani-kanilang mga anak, sinamantala nina Cristine at Ara ang pagkakaroon nila nang oras para mag-bond sa Bora.

Hindi nga nagpa-awat ang magkapatid na ibalandra sa kani-kanilang instagram ang kanilang body shape.

Makikita sa kanilang mga selfies ang kinunan nilang kaseksihan.

Masisilip si Cristine sa kanyang floral two piece bikini ang kaseksihan sa payat nitong body figure.

Selfie rin ang pagkakakuha ni Ara para ipakita ang kanyang kaseksihan sa two piece floral swimsuit nito.

Sabi nga nito sa kanyang comment kahit bilugan ang kanyang katawan meron siya na wala ang iba.

@therealaramina, “I don’t have abs but I have a mole that not everyone has lol”.

Hindi puwedeng pagkumparahin ang magkapatid kung sino ang mas sexy sa kanilang dalawa sa magkaka-iba ang kanilang body form.

Si Cristine ay isang martial arts enthusiasts kaya payat at may abs ang kanyang tyan. Si Ara naman ay isang pastry chef kaya medyo bilugan ang katawan nito.

Pareho namang katakam-takam ang magkapatid sa paningin ng mga lalakeng humahanga sa kanilang kagandahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?