5

Oct 31, 2020 @ 10:11
By

Cristiano Ronaldo gumaling na sa COVID

Natalo ng football superstar na si Cristiano Ronaldo ang sakit na COVID-19 makalipas ang lampas dalawang linggo.

Inanunsyo ng kanyang koponan na Juventus ang paggaling ng 35-year old forward.

“Cristiano Ronaldo carried out a check with a diagnostic test (swab) for Covid 19. The exam provided a negative result. The player has, therefore, recovered after 19 days and is no longer subjected to home isolation,” saad ng koponan.

Nitong Oktubre kinumpirma na nagkaroon ng COVID-19 si Ronaldo, kung saan aabot sa apat na laro ang kanyang nalaktawan dahil sa sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?