5

Oct 29, 2020 @ 15:24
By

Cristiano minura ang COVID

HINDI nakapagtimpi si Cristiano Ronaldo nang mapamura ito dahil sa coronavirus.

Napabalita kasi na nagpositibo na naman sa COVID-19 ang Portugese pro-footballer kaya naitsapuwera sa Juventus Champions League match kontra Barcelona.

“PCR IS BULLSHIT,” himutok ng 35-anyos na atleta sa kanyang IG.

Nauna nang nag-positive sa coronavirus si Cristiano noong Oktubre 13 ngunit wala naman aniya itong nararamdaman o sintomas ng kumakalat na sakit.

Ipinagmalaki pa nito sa kanyang IG account na maayos ang kanyang kalagayan.

“Feeling good and healthy,” caption nito kasama ang litrato na bagong gupit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?