117

May 13, 2021 @ 9:41
By

‘Crising’ napanatili lakas, 6 lugar sinailalim sa Signal No. 1

Anim na lugar sa Mindanao ang inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa bagyong Crising.

Sa nilabas na severe weather bulletin ng Pagasa nitong alas-8 ng umaga, ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng Signal No. 1:

  • Surigao del Sur
  • Agusan del Sur
  • Davao Oriental
  • Davao de Oro
  • Davao del Norte
  • Davao City

Nagtataglay ng lakas na 45 kilometer per hour ang naturang tropical depression, habang aabot naman ang pagbugso nito sa 55 kph.

Gayunpaman, inaasahan na humina ito habang binabagtas ang Mindanao, at posibleng maklasipika bilang ‘remnant low’ sa susunod na 36 hanggang 48 oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?