55

Jan 16, 2018 @ 18:24
By

Crime rate sa MM bumaba dahil sa Oplan Tokhang – NCRPO

Tila nagbuhat ng sariling bangko si National Capital Region Police Office chief Oscar Albayalde nang sabihin nitong naging magandang taon ang 2017 sa kanila.

Aniya, malaki ang naging pagbaba sa crime rate sa Metro Manila noong nakaraang taon.

Ito aniya ay dahil sa pagpapatupad ng kontrobersyal na anti-drug campaign na Oplan Tokhang.

Muli din nitong iginiit na walang lugar sa pambansang pulisya ang mga bugok na pulis.

Wala naman nabanggit si Albayalde kung kasama sa mga sinasabi niyang krimen na bumaba ang bilang ang murder o pagpatay.

Patuloy na nagiging multo ng PNP ang mga sinasabi nilang death under investigation na tinatawag naman ng iba na extra judicial killings na idinidikit sa anti drug campaign ng administrasyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?