13
views
guillermo-eleazar
By

Crime rate sa Metro Manila, bumaba – Eleazar

Sharing is caring!

Iniulat kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ang bilang ng krimen sa Metro Manila at ito ay dahil sa pitong “factors” kabilang na ang war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, sa statistical records bumaba ang crime rate ng 25% sa unang anim na buwan ng 2018 kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.

Bukod dito, nabatid na ang unang dalawang taon ng Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2018, ang crime rate sa Duterte administration kumpara sa huling dalawang taon ng Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2016 ng Aquino administration, ay bumaba ng 49%.

Nabatid na ang unang factor ay ang war on drugs ng pamahalaan na naging epektibo, pangalawa ang agresibong kampanya laban sa kriminalidad at illegal drugs; bukas sa pagtawag sa hotline; PNP internal cleansing; implementasyon ng disiplina at ethics building program sa police commissioned officers at police non-commissioned officers; dagdag suweldo ng mga pulis at military.

Kabilang din sa nasabing factors ang pagkaloob sa PNP ng bagong teknolohiya tulad ng CCTVs, GPS systems, tracking devices, smart phones, social media at implementasyon ng mga city ordinance.

Kaugnay nito, tiniyak ni Eleazar sa publiko na ang Team NCRPO ay laging nakahanda at patuloy na magsisilbi at magbibigay proteksiyon sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?