58

By

Crew ng TV network, nawawala sa Cagayan

Sharing is caring!

Tatlong miyembro ng news crew ng TV5 ang binalitang hindi makontak at nawawala sa Cagayan sa kasagsagan ng bagyong Ompong nitong nagdaang Sabado, Setyembre 15.

Sa ulat ng dzBB reporter Benjie Liwanag, sinabing halos 24 oras nang hindi rumeresponde ang tatlo sa tawag ng kanilang TV station.

Ang tatlo ay sina reporter Rommel Lopez, isang cameraman at production assistant na sinabing huling nag-report ang grupo sa Santa Ana, Cagayan.

Ipinagpaalam na ng TV5 ang insidente sa National Disaster Risk and Reduction Management Council(NDRRMC) at maging sa Philippine National Police spokesman PSSupt.Benigno Durana .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?