19

By

Crew ng TV network na nawala sa Cagayan, ligtas

Sharing is caring!

Ipinahayag ng TV5 na muli na nilang nakontak ang tatlo sa kanilang crew sa Cagayan na hindi nagparamdam sa gitna ng pananalasa ng bagyong Ompong nitong Sabado, Setyembre 15.

Sa Twitter account ng TV network, ipinaalam na ligtas na ang tatlo na kasama ang isang reporter na si Romel Lopez, isang cameraman at production assistant.

Naunang ipinahayag na 24 oras na nila sinusubukang makausap ang tatlo ngunit walang naging tugon kaya humingi na ng tulong ang media outfit sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: