8

Jul 22, 2020 @ 13:22
By

Cremation ng preso dapat may 3rd party witness – NBP doctor

Gusto ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na magkaroon ng third party na testigo sa mga iki-cremate na preso sa New Bilibid Prisons (NBP) para maalis ang mga pagdududa ng publiko katulad ng nangyari sa mga high-profile inmate na sinasabing nasawi dahil sa COVID-19.

“Nakausap po namin si SOJ [Secretary of Justice] at isa sa mga payo niya sa amin ay from the time na magsu-swabing tayo, buhay pa `yong pasyente kahit sinong pasyente, kailangan may representative ng DOH [Department of Health],” ayon kay NBP Hospital director Dr. Henry Fabro.

“Tapos ang sabi rin kung pwede simula ngayon, magkaroon ng third party na witness kapag nag-cremation,” dagdag ni Guevarra.

Sinabi ni Guevarra na ang third party witness ay maaaring manggaling sa “neutral party”.

Ayon kay Fabro, maging siya ay gustong magkaroon ng transparency at makasiguro sa pagkakilanlan ng nasawing preso.

Samantala, opisyal nang kinumpirma ng DOJ ang pagkamatay ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian sa NBP dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hinihintay pa ng DOH ang death certificate ng iba pang high-profile inmate na namatay umano sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?