13

Jan 30, 2021 @ 20:43
By

Creamline rumaket para makatulong

Habang hindi pa nagsisimula ang Premier Volleyball League (PVL) season dahil sa pandemya, gumawa ng fund raising ang champion team na Creamline Cool Smashers.

Sa official IG page ng Cool Smashers ay naisip nilang magpasubasta ng designed shirt mula sa kanilang players gaya nila Alyssa Valdez, Jema Galanza, Michele Gumabao at iba pa.

“Gusto niyo ba ng specially designed tie-dye shirt from our #CreamlineCoolSmashers? Pwede ka pang makatulong sa volleyball community!” saad sa IG post.

Lahat kasi ng kikitain ng koponan ay ididiretso at ipapamahagi nila sa mga referee, linesmen at security ng liga na nahinto sa trabaho mula nang manalasa ang coronavirus.

Ang buong detalye ng tinayo nilang programa ay kanilang ibabahagi sa Pebrero 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?