34

Oct 27, 2019 @ 21:18
By

Creamline, PetroGazz may rematch sa finals

Binitbit ni volleyball phenom Alyssa Valdez ang Creamline sa pagwalis sa Motolite, 25-18, 25-15, 25-8, at itakda ang final rematch sa PetroGazz sa 3rd PVL Open Conference 2019, Linggo ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Pumalo nang 10 spikes, 2 defensive blocks at 3 service aces ang volley star sa pangungunang opensiba ng defending champion Cool Smashers sa Game 2 ng best-of-three semifinals at hinulma ang pakikipagbuno sa Reinforced Conference champion Angels na-straight sets win at sweep din sa parehas na serye ang Banko.

Umagapay kay Valdez si Michele Gumabao na may 12 markers sa likod ng 11 kills habang ambag pa ng 12 pts. si Celine Domingo para panatilihin ang pagiging dominante sa liga.

Pakitang-gilas rin si Kyla Atienzasa floor defense nang maka-22 excellent digs para sa Creamline.

Kaya sobrang ligaya ni skipper Valdez.

“We’re very happy. Honestly for the first time we’re complete as a team,” aniya tapos ng game at tsansang makabawi sa Gazz. “We’re just happy being together and hopefully mas magkaroon pa kami ng connections sa finals.”

Tig-6 puntos lang sina Bernadette Flora at Myla Pablo para sa mga umalma sa Motolite kung saan liban si ace player Tots Carlos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?