13

Oct 15, 2020 @ 21:37
By

‘Crazy Rich Asians’ sa Netflix patok sa mga netizen

Ipinapalabas na sa streaming entertainment service na Netflix ang “Crazy Rich Asians” kung saan kabilang sa cast si Kris Aquino.

Nag-No. 1 trending sa Twitter ang pelikula nitong Huwebes kung saan kanya-kanyang post ang mga netizen sa paborito nilang eksena.

Ang “Crazy Rich Asians” ay 2018 American romantic comedy film tungkol sa isang Chinese-American professor na si Rachel Chu na nagpunta ng Singapore para makilala ang pamilya ng kanyang nobyong si Nick Young.

Lingid sa kaalaman niya, kabilang si Young sa mayamang pamilya sa Singapore.

Bida sa movie sina Constance Wu at Henry Golding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?