111

By

Craziest NBA summer! Mga NBA star, nagkagulo sa Westbrook trade

Hindi pa man nagsisimula ang 2019-20 NBA season, sentro na ng atensyon ang liga dahil sa malakihang player movement kasama ang ilang mga star player.

Matapos ang Anthony Davis trade sa Lakers, paglipat ni Jimmy Butler sa Heat, bagong duo nina Kawhi Leonard at Paul George sa Clippers, sinundan naman agad ito ng pagbigay ng Thunder kay Russell Westbrook patungong Rockets.

Sa nasabing trade, ipapalit ng Houston si Chris Paul, dalawang first round pick (2024 at 2026), at dalawang pick swap sa 2021 at 2025.

Sa social media, nagkagulo ang ilang mga NBA player sa nangyaring trade na bumuo ng bagong All-Star duo sa Houston.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?