79
abante-tnt-vismin-horn-crawford
By

Crawford, wagi via TKO kay Horn

Sharing is caring!

Hinablot ni unbeaten Terence Crawford ang World Boxing Organization welterweight world belt ni Jeff Horn.

Tinapos ng Amerikano sa pamamagitan ng 9th technical knockout (TKO) ang Australian boxer nitong Sabado sa Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Bigong maidepensang muli ni Horn ang world title na nakuha niya kay Manny Pacquiao noong Hulyo ng nakaraang taon sa Brisbane.

Nagawa niyang mapanatili ang belt sa pagpapatumba niya noong Disyembre kay Gary Corcoran pero hindi na siya umubra kay Crawford.

Napatumba si Horn sa 9th round matapos ang malutong na suntok ni Crawford pero nagawa pa ring makatayo ng una.

Nagpakawala ulit ng sunod-sunod na hagupit si Crawford kung saan pinigil na ni referee Robert Byrd ang laban, may 2:33 sa round.

Umakyat sa 33-0, 24 knockouts ang record ni Crawford dahil sa panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?