38

Crawford-Horn fight hindi tuloy sa Abril

Sharing is caring!

Naudlot ang laban nina Terence Crawford at Jeff Horn na nakatakda sa Abril 14.

Ipinagpaliban ito ni Top Rank promoter Bob Arum matapos tamaan ng right injury si Crawford sa kanyang sparring session kamakailan.

“He hurt his hand hitting a guy on top of the head gear,” pahayag ni Arum sa ESPN.

“We’ve gotten him treated by the best hand doctors. He had an MRI, and there is no ligament tear, thank God. The doctor prescribed two weeks of rest, and then he should be ready to go. We’ll put the fight sometime in late May or early June, but that depends on how Terence’s hand is feeling.”

Sabi ni Arum, ire-reschedule niya ang laban at tiniyak na gagawin din ito sa Las Vegas.

Si Crawford, dating lightweight champion at junior welterweight champion, ay nagsasanay sa Colorado Springs nang mangyari ang injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?