307

By ,

Crawford ‘alang bilib kay Pacquiao

Sharing is caring!

Kung si American boxer Terence Crawford ang tatanungin, hindi niya nakikita bilang isang kampeon si eight-division champ Manny Pacquiao.

Muling sasabak sa parisukat na lona si Crawford (33-0, 24 KOs) sa Sabado, Oktubre 13 kontra sa dating kampeon na si Jose Benavidez, Jr. (27-0, 18 KOs).

Sa artikulong inilabas ng ringnews24.com, sinabi ni Crawford na para sa kanya, hindi ‘super champion’ si Pacquiao dahil wala aniya itong bitbit na ‘super belt’.

“He’s not a champion in my eyes. He don’t have the super belt. That’s the champion in my eyes. I look at the number one champion in the division,” wika ni Crawford.

“I don’t look at the WBC Silver and the interim belts and all that. I look at the super and the actual champion of the division.”

Kamakailan lang ay muling lumaban si Pacquiao kontra kay Lucas Matthysse at nasikwat ang World Boxing Association (WBA) welterweight via seventh-round knockout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?