32

Jul 17, 2021 @ 13:55
By

‘Crash Landing’ star Son Ye-jin type tumira sa Pilipinas

Pihadong kikiligin ang mga fan ng hit K-drama series “Crash Landing On You” dahil bet pa lang manirahan sa Pilipinas ng bida nitong si Korean actress Son Ye-jin.

Minsan na kasing bumisita sa Pilipinas si Son Ye-jin para sa kanilang family trip at nainlab daw siya sa kagandahan ng bansa pati na sa mabuting pakikitungo ng mga Pilipino.

“I would really love to live here. The nature is absolutely beautiful,” sabi niya na isinalin sa wikang English, sa isang virtual fan meet para sa telcom Smart.

“The most memorable thing about that trip was the friendly faces of the Filipinos. She can see that everyone is very happy and friendly,” dagdag niya.

Kung may pagkakataon ay gusto niya raw ulit bumisita sa Pilipinas at pumasyal sa Boracay.

Sumikat si Son Ye-jin sa Pilipinas nang bumida siya sa “Crash Landing on You” noong 2019 katambal si Hyun Bin, na dyowa niya sa totoong buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?